Pages

Jul 15, 2006

Suicide Candidate?

2122906440
Sa ngayon na binabasa mo to...... buhay pa ako. Pero nasa lagay na ako na umay na umay na ako sa buhay ko, sobrang umay na halos lahat ng problema ko, hindi ko na napapansin. Well, hindi kasama ang mga schoolwork kasi iba yun.

Nitong nakaraang buwan ko lang nalaman na nabitag na ako sa isang walang kwentang pamumuhay na 'to. Hindi ko naisip na na pare-pareho lang naman ang nangyayari sa akin, at palagi ko lang naman nakakalimutan. Palagi ko sinasabi na, "Ganun talaga ang life! parang buhay..". Nung nasaktan ako, natuto ako sa mga nangyari at syempre nag move on. Well, totoo talaga yun! Pero pano kung nangyari nanaman yun ng paulit ulit? Kailangan ko rin ba ulit matuto sa mga nangyari at mag move on ulit? Dun ko narealized na sawang sawang na ako sa buhay ko. Sa ngayon, feeling ko walang laman ang pagkatao ko, feeling ko pagod na pagod ako. Sobrang sawa na talaga ako sa buhay ko. I'm already paranoid. Gumawa na ako ng mga paraan na hindi ko naman ginagawa dati, just to kill this boredom. Pero, ayoko parin naman na mag end up sa hindi magandang mangyayari, kung alam mo lang. Nasa katinuan pa naman ako sa ngayon. Kaya nga sinasabi ko na kung ano yung nararamdaman ko habang nasa katinuan pa ako. I don't want to end up killing myself. May itatanong ako sayo.... Am i a suicide candidate? Is my situation already an excuse to commit one? Well, dont get me wrong ok... im just asking.. Despite my problems in life, hindi pumasok sa isip ko na magpakamatay. It's a BIG waste of time! I'm still aware that there are great things in life that I might encounter, although not this times. Maybe someday.... somehow...Curious lang ako, kung pareho ba kami ng case ng mga nag commit ng suicide. Maybe in way, may pag kakapareho. Siguro yung pag iisip na sobrang pagkasawa na sa buhay. Ang pagkakaiba nga lang ay, I'm an optimist, and the one committed suicide is a pessimist. That's my only defense in life, optimism. I still appreciate the kinder side of life. Kung wala ako nun, wala akong maipapangako sa inyo na nagbabasa nito. Pero iniisip ko, may advantage parin ang mga nagpakamatay kaysa sa pinili na mabuhay parin. Kasi pag pinatay mo ang sarili mo, syempre malaya ka na sa mga problema mo. Hindi mo na kailangan na mag worry all over again because you've just killed your will to think. Kaysa sa mga pinili na mabuhay, katulad ko, kailangan parin lumaban. Pero ano pa ang essence ng buhay kung walang pagsubok? Naniniwala parin ako na normal lang talaga na magkaroon ng problema ang bawat tao sa mundo. See, I'm an optimist. On the other hand, Boredom kills optimism sometimes. Katulad nalang ng situwasyon ko ngayon. I still feel helpless despite having friends and family to lean on. Alam kong hindi nila ako maiintindihan. I still feel empty despite the happy and funny things I face. As of now my life is meaningless. I know I need something that would make me feel fulfilled, something that would make me see life in a positive light again. Alam ko isa lang talaga ang makakatulong sa akin, si God. Lam nyo yung may mga problema jan, ang masasabi ko lang:

"Hindi tama na mag commit ng suicide dahil si God lang ang may karapatan na kunin ang buhay na binigay nya sa atin. Pag nag commit kayo ng suicide at namatay, hindi tatanggapin ng simbahan na basbasan ang katawan mo. Wag kang maging "nega". Always think positive. Pag lahat ng tao tinalikuran ka na, sabihin mo sa sarili mo na magiging ayos lang ang lahat kasi sa bandang huli andyan parin si God na handang suportahan ka at alam kung ano ang mas naaayon para sayo. At ang huli mas gugustuhin ko pa na ako ang masaktan kesa mga mahal ko sa buhay. Sa tingin ko, ang kailangan mo gawin eh yung mga activities na makapagpapasaya sayo o kaya yung magiging busy ka para makalimutan mo yung problema mo. Kasi pag inisip mo pa lalo yun, papangit ka! hahaha! smile naman jan and everything!"